23

By

Kelsey Merritt nagpasilip ng mga ganap sa VS Fashion Show

Sharing is caring!

Kilala bilang ang kauna-unahang Pinoy na rarampa sa Victoria’s Secret Fashion Show ang 21-year old Filipino-American model na si Kelsey Merritt.

Bago magsimula ay pinasilip niya ang mga kaganapan sa backstage. Makikitang sabik na sabik na si Kelsey na rumampa kasama ang iba pang modelo. Hindi rin maitatago ang tuwa niya habang kasama ang mga tanyag na modelo tulad nina Josephine Skriver, Behati Prinsloo at Candice Swanepoel.

Matutunghayan din ang mga performance nina Shawn Mendez, Rita Ora, Bebe Rexha, Th Chainsmokers, Halsey, Kelsea Ballerini at The Struts. Ipapalabas ang VS Fashion Show sa ika-2 ng Disyembre (US Time) sa ABC Network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?