29

Kelsey Merritt gumawa ng kasaysayan, Pinoy pride sa VS fashion show

Sharing is caring!

Simula nang ianunsyo ng Filipina model na si Kelsey Merritt ang kanyang pagrampa para sa Victoria’s Secret Fashion Show, marami na ang nag-abang sa kung paano niya ipapakita ang pagiging Pinay at kakaiba sa iba pang ‘angel’ ng show.

WE DID IT PHILIPPINES!!!!!! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 What an honor it is to be the first Filipino to walk in the Victoria’s Secret Fashion Show 2018!!! Ahhhhhh I can’t believe this!! Thank you soooo much @johndavidpfeiffer, @monica.mitro, @10magazine, and @ed_razek for making my dream come true!! ❤️❤️❤️ And to my agents at @suprememgmt @nomadmgmt @romanyoung @david_kimm @marissasurmenkow thank you for believing in me and being there for me throughout this journey!! 💕🙏🏼 But most of all thank you to all my followers you guys are my rock!!! I couldn’t have done this without you guys. Thank you for your never ending support I LOVE Y’ALL para sainyo to!!!💕🇵🇭🙏🏼 #VSFashionShow

A post shared by Kelsey Merritt (@kelseymerritt) on

Dream come true para sa 21-taong gulang na si Kelsey ang maging unang Pinay na rarampa para sa inaabangang fashion show.

Pero bukod sa mga pagbati para sa kanyang tagumpay, mga ilan ding nagtaka, nagtanong o kinuwestiyon hindi ang kanyang husay sa modeling ngunit ang kanyang pagiging dugong Pilipino.

Ngunit may sagot at paglilinaw si Kelsey para dito.

Diin ni Kelsey, mas Pinoy pa siya kasya sa mga Pilipino na hindi nakatuntong sa Pilipinas.

Pinagtanggol naman ng mga fan si Kelsey at sigaw nila, proud sila sa nagawa ng modelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?