376

Mar 29, 2020 @ 15:20
By

Kelsey Merritt dinaan sa katawan ang TikTok

Aminado si Kelsey Merritt na hilaw pa siya pagdating sa pagsasayaw.

Ngunit hindi ito alintana ng kanyang mga fan, lalo pa kung masisilayan ang toned abs nito habang gumigiling sa TikTok.

Sa kanyang Instagram video, pinamalas ni Merritt ang kanyang dancing skills kita ang hubog ng katawan nito.

Marami ang sinabing cute ang VIctoria’s Secret model, at kahit kulang pa sa giling ay nadaan naman sa kaseksihan para purihin ng madla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?