299

Feb 20, 2020 @ 16:30
By

Kelsey Merritt bibinyagan sa Milan

Masayang binahagi ng Pinay Victoria’s Secret model na si Kelsey Merritt na biyahe siya sa Milan para sa kanyang unang show sa nasabing siyudad sa Italy.

“Confirmed my very first show in Milan!!! So excited! Dream!” ayon kay Kelsey.


Hindi naman dinetalye ni Kelsey kung saan siya rarampa sa Milan, ngunit posibleng para ito sa Fashion Week na ginaganap mula Pebrero 18 hanggang 24.

Bumuhos naman ang suporta para sa unang Pinay na nakatungtong sa Victorias’ Secret stage.

‘OMG! I’m so excited for you! Can’t wait to see you rocking your first ever show in Milan. We are proud of you, K! Mahal kita,” ayon kay @KeerstineAtillo.

“Congratss girl! So happy that you will be here in my so proud of you ate!!” saad naman ni @nameless _cami.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?