43
knife
By

Kelot umawat sa away, tigok kay ‘Balot’

Hindi akalain ng isang helper na ang pag-awat niya sa away ang magiging mitsa ng kanyang buhay matapos mapagbalingan ng init ng ulo ng kanyang kaibigan at pagsasaksakin sa Novaliches, Quezon City, Linggo ng gabi.

Sinugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Sammy Amurao, 48, subalit binawian din ito ng buhay, habang arestado naman ang suspek na si Rowell Balondo, alyas “Balot,” 29, kapwa residente ng Tawid Sapa 1, Brgy. San Agustin.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-8:30 ng gabi (December 8) nang maganap ang krimen sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sa imbestigasyon, ang biktima at suspek ay magkaibigan na naninirahan sa iisang bahay at nagkayayaan na mag-inuman kasama ang isang “Mang Junior,” stepfather ni Balot.

Habang nag-iinuman ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama-amahan, kaya nagpasya si Sammy na awatin ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?