65

Dec 14, 2017 @ 9:35
By

Kelot tumangging bumili ng droga, binaril

Sugatan ang isang mangingisda matapos itong barilin kahapon ng madaling araw dahil sa pagtanggi umano ng biktima sa utos ng isang siga na ibili ito ng droga sa Zamboanga City.

Nakilala ang biktima na si Henry Sahim, 45-anyos, na ngayon ay nasa pagamutan dahil sa tama ng bala mula .45-kalibre matapos itong barilin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “Mad”.

Nasa lamayan umano si Sahim sa Barangay Baliwasan nang ito ay tawagin ng suspek at inutusang umiskor ng droga.

Agad namang tumanggi si Sahim sa kagustuhan ni Mad dahil ilegal ito, ngunit agad namang bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan ang mangingisda.

Nabulabog rin ang lamay dahil sa pamamaril. Agad namang tumakas ang suspek na kilalang siga sa naturang lugar.

Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa suspek. (Al Jacinto)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?