24

Mar 5, 2021 @ 20:13
By

Kelot todas matapos tuklawin ng ahas na inakala niyang patay na

Utas ang isang lalaki matapos matuklaw ng ahas na inakala niyang patay na sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Jayson Nama.

Ayon sa ulat ng Balitang Amianan, pinaghahampas ng biktima kasama ang kanyang mga kaiabigan ang naispatan nilang ahas malapit sa imburnal.

Matapos nito, sinubukan umano ni Nama na damputin ang ahas ngunit natuklaw siya.

Batay sa imbestigasyon, hindi sinabi ng 20-anyos na biktima na natuklaw siya ng ahas kaya idineklara itong dead on arrival nang dalhin sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,