89

Dec 27, 2019 @ 9:05
By

Kelot tinodas habang tulog sa duyan

Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa duyan sa harap ng kanilang tindahan sa Barangay Callitong, Burgos, Ilocos Sur noong Huwebes.

Kinilala ng Burgos Municipal Police Station (BMPS) ang biktima na si Ric Abalos, 42, may-asawa, ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na report ng BMPS, base sa testimonya ng asawa ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima, alas-9 ng gabi ng Disyembre 25 na nasa duyan.

Sinabi ng BMPS, noong Huwebes ng umaga, Disyembre 26, laking gulat ng asawa nito na nakita ang duguang bangkay ni Abalos na nakaduyan sa harap ng sari-sari store na pagmamay-ari ng pamilya nito na mayroong tama ng baril sa taas ng kanang tainga.

Nakita rin malapit sa bangkay nito ang dalawang basyo ng .45 pistol at isang metal slug ng nasabing baril.

Sa ngayon, ayon sa pulis, blangko pa ang BMPS sa posibleng anggulo ng pamamaslang dahil ayon sa pamilya ng biktima, wala naman umano itong kaaway nitong nakaraan na maaari sanang maituring na person of interest sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?