49
knife
Nov 24, 2019 @ 14:22
By

Kelot tinaga ng kainuman sa Quezon Province

Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril at pananaga sa Quezon.

Sa bayan ng Tiaong, patay ang isang welder nang ito ay barilin sa harap ng isang bakery , Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Clodualdo Duhaylunsod Palma, 55 anyos, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod.

Batay sa report ng Tiaong police, nakatayo ang biktima sa harap ng Kambingan Bakery, sa Brgy. Talisay, nang dumating ang hindi nakilalang suspek alas 5:00 ng umaga.

Walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang biktima na agad nasawi.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Patay din ang isang 23-anyos na binata nang ito ay pagtatagain ng kanyang kainuman sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Crisanto Kumbento, isang mangingisda.

Batay sa report, nagkasagutan ang biktima at ang isang hindi natukoy na kainuman na humantong sa pananaga.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?