5

Mar 9, 2021 @ 16:23
By

Kelot tinaga ng kainuman sa Davao del Sur, todas

Dedo ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa niyang kasama matapos pagtatagain ng kainuman nila sa Sulop, Davao del Sur nitong Linggo.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan,
tumutoma ang mga biktima kasama ang dalawa pang iba sa Purok 3, Brgy. Labon nang nagsimula silang magkainitan.

Umalis umano ang suspek para umuwi pero pagbalik nito ay may dala na siyang bolo at tinaga ang isa sa mga kainuman sa batok.

Bukod dito, tinaga rin ng alsarin ang isa pang lalaking kasama sa inuman.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek matapos nitong sumuko kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?