112
Nanaksak ng babae sa MRT, nahuli na
Oct 4, 2019 @ 16:53
By

Kelot tinadtad ng saksak habang nakagapos

Natagpuang tadtad ng saksak ng patalim ang isang drywall installer na nakagapos ang magkabilang kamay at paa sa bakanteng lote sa Barangay Paltok, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PLt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima sa pamamagitan ng kanyang ID na si Nelson Gamboa, 55, drywall installer ng WEBCOR at naninirahan sa A. Fernando, Malanday, Valenzuela City.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Alexis Mace L. Jurado ng CIDU-QCPD, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-10:45 ng gabi (October 3) sa bakanteng lote sa No. 16 G.H. Del Pilar St., ng nasabing barangay.

Ayon sa testigong si Liezel Alvez, naglalakad umano siya sa naturang lugar nang mapansin niya ang nakabulagtang biktima na duguan at nakagapos ang mga paa at kamay ng itim na kable kaya agad niya itong ini-report sa mga opisyal ng barangay.

Agad namang nagreponde ang mga opisyal ng barangay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing krimen.

Ayon sa SOCO team na pinamumunuan ni PLt. Col. Nellson Cruz Sta Maria, ang biktima ay may mga bali ng buto sa kaliwang dibdib at kili-kili, at mga saksak sa katawan.

Inaalam na ng mga awtoridad kung si Gamboa ay biktima ng ‘summary execution’ at ang motibo sa brutal na pagpatay dito para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?