21

Feb 26, 2021 @ 20:42
By

Kelot timbog sa buy-bust ops sa Pampanga

Kalaboso ang isang lalaki matapos makorner sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ram” na residente ng Taguig City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, narekober sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?