33

Jan 7, 2022 @ 8:54
By

Kelot tigok nang mangisda gamit live wire

Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong makuryente sa Asingan sa Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Jaylord Teodoro Dela Cruz, 21 anyos.

Ayon sa mga awtoridad, nanghuhuli ng isda sina Dela Cruz at mga kaibigan nito sa ilog gamit ang isang live wire na konektado sa bahay ng biktima.

Sinabi ng isang saksi na bigla na lang nanigas ang isa sa kanilang mga kaibigan na menor de edad pa.

Agad naman sumaklolo si Del Cruz at niyakap ang nakukuryenteng kaibigan. Ngunit, pagyakap niya dito, nakuryente din ito at tumilapon pa sa lakas ng kuryente.

Sinubukan pang i-revive si Dela Cruz at nilapatan ng pangunang lunas ngunit nasawi rin ito.

Nabuhay naman ang kaniyang kaibigan na sinubukan niyang iligtas. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?