40

Jun 16, 2022 @ 17:09
By

Kelot sinita sa face mask, todas matapos manlaban

Dead on the spot ang isang lalaki na hindi pa tukoy ang pagkakilanlan matapos bumunot ng baril nang sitahin dahil walang suot na face mask.

Ayon sa ulat nitong June 16, sinita ng mga pulis ang lalaki habang umiihi sa gilid ng kalsada sa Barangay Kristong Hari, Quezon City dakong alas-12:30 ng hatinggabi dahil walang suot na face mask ngunit bumunot daw ito agad ng baril na nagresulta sa barilan.

Nadiskubre ng mga pulis na nakaw pala ang dalang motorsiklo ng lalaki matapos dumating sa pinangyarihan ng engkuwentro ang may-ari.

Ayon sa biktima, papunta siya sa isang convenience store nang harangin at agawin ng magkaangkas sa motorsiklo ang kanyang sasakyan.

Samantala, hinahanap pa ng mga pulis ang kasama ng napatay na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?