56

Dec 3, 2020 @ 14:57
By

Kelot sa Pasay ni-rape, ninakawan 20 masahista

Pinosasan ang isang “serial rapist” matapos niyang gahasain at pagnakawan umano ang lampas 20 babaeng masahista sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na si alyas “Jason Mallari”, 27, residente ng Malibay, Pasay City.

Ang modus ng lalaki, magme-message sa Facebook page o FB group ng mga massage parlor o massage therapist tapos magbu-book ng home service.

Kapag na-book na ay papupuntahin niya ang babae sa apartelle. Tututukan niya roon ng patalim saka gagahasain.

Tapos, nanakawin niya ang mga gamit ng biktima, saka siya agad tatakas.

Dumulog ang isa sa mga biktima ni Mallari sa pulisya, kaya nagsagawa ang huli ng operasyon para mahuli ang suspek. Ang biktima ay ni-rape ng lalaki sa isang Cubao apartelle, Lunes ng madaling-araw.

Bago mag-alas-4 ng umaga, Disyembre 3, natimbog ng awtoridad ang lalaki habang may binibiktima itong masahista sa Malibay, Pasay.

Si Mallari ay mahaharap sa kasong robbery with rape.

Batay sa pulisya, nabiktima ng suspek ang mga masahista sa Las Piñas, Quezon City, at Pasay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?