69

Oct 12, 2021 @ 16:07
By

Kelot sa India, ginamit cobra para tsugiin si misis

Hinatulang guilty ang isang lalaki sa India matapos mapatunayan ng korte na gumamit siya ng cobra para mapatay ang kanyang asawa noong nakaraang taon.

Kinilala ang suspek na si Suraj.

Mayo 2020 nang matagpuan ang walang buhay na katawan ng kanyang asawa na si Uthra sa loob ng kanyang tahanan.

Kita sa katawan ni Uthra ang dalawang kagat ng ahas.

Ayon sa korte, ginamit ni Suraj ang cobra para mapaniwala ang mga awtoridad na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng asawa.

Ngunit napag-alaman na pinlano ng lalaki ang krimen dahil pinakasalan lamang niya ang biktima para sa pera at dowry, na siyang binibigay ng pamilya ng babae sa mapapangasawa nito sa bansang India.

Lumabas pa sa imbestigasyon na pinakawalan ni Suraj ang ahas sa loob ng bahay ng biktima para matuklaw ito.

Bukod pa rito, ang nangyaring krimen ang pangalawang beses na tinangkang patayin ni Suraj ang asawa. Ang unang pagkakataon ay Marso ng 2020. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,