76

Dec 15, 2017 @ 17:44
By

Kelot pumitik ng pang-noche buena, timbog

Sa kulungan na magpapalipas ng Pasko ang isang lalaki dahil sa shoplifting sa Pasay City.

Hindi napansin ni Manolito Manabat na may mga CCTV cameras ang grocery store na pinasok niya kamakalawa ng gabi.

Pasimple niyang isinilid sa kanyang bitbit na bag ang mga Noche Buena items gaya ng corned beef, kape, gatas, tsokolate, palaman, kape at pati tocino.

Lingid sa kanyang kaalaman, sinusubaybayan siya ng manager sa monitor ng CCTV camera.

Sa aktong palabas siya ng tindahan pinaharang na siya sa guwardiya at ipinaaresto nang madiskbre ang mga kinulimbat.

Katuwiran ng suspek gusto lang niyang may pamasko sa kanyang mga anak.

Ngunit nabatid na kalalaya lang nito noong nakaraang linggo dahil din sa kasong shoplifting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?