9

Aug 5, 2021 @ 18:00
By

Kelot promotor ng pekeng bakuna card, arestado

Buking ang modus ng isang lalaki sa Davao City na tumatanggap ng halaga kapalit ng pekeng vaccination card.

Sa isang entrapment operation nitong Miyerkoles naaresto ng mga pulis ang 24-anyos na suspek.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis kung saan saksi ito kung saan ginagawa ang pekeng vaccination card.

Kinasa agad ng mga awtoridad ang pag-aresto nang tanggapin ng suspek ang P300 na marked money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong falsification of documents.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?