1,010

Feb 25, 2021 @ 11:25
By

Kelot pinatay kapitbahay, kinuha puso nito, pinakain sa pamilya niya

Umamin ang isang lalaki na kinitil niya ang kanyang kapitbahay, tinanggal ang puso nito, niluto at pinalamon sa kanyang pamilya bago niya patayin din ang ilang kamag-anak, ayon sa otoridad.

Kinilala ang suspek na si Lawrence Paul Anderson, 42 anyos,
kakalaya lang mula sa kulungan noong Enero.

Batay sa Oklahoma State Bureau of Investigation (OSBI), sa ulat ng Daily Mail, sinaksak umano ni Anderson ang kanyang 41-anyos na kapitbahay na si Andrea Lynn Blankenship sa bahay ng huli sa Chickasha City, US noong Pebrero 9

Tapos dinala umano ng lalaki ang puso sa bahay ng kanyang tito at tita, “niluto ito nang may kasamang patatas,” at pinakain sa kanyang pamilya “para mapakawalan ang mga demonyo.” Ito ay ayon sa isang OSBI agent na nakapanayam si Anderson.

Sa parehong araw, dagdag ng otoridad, sinaksak ni Anderson ang tatlo pang tao: ang kanyang tito na si Leon Pye, 67; tita na si Delsie Pye; at apo ng dalawa na si Kaeos Yates, 4.

Pumanaw sina Leon at Kaeos habang nabuhay naman si Delsie bagaman nasaksak sa parehong mata.

Bago ito, napaikli mula 20 patungong 9 taon ang sentensiya sa lalaki para sa mga kasong may kinalaman sa baril at droga, kaya ito napalaya mula sa piitan noong Enero.

Sinampahan si Anderson ng tatlong count ng murder at dalawang felony charge, Martes.

Sa paunang pagdinig, umiyak si Anderson at sinabi sa hukom na, “I don’t want no bail, your honor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?