162

Feb 21, 2021 @ 21:41
By

Kelot pinapak pinsan sa Bohol, timbog

Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos niyang gahasain umano ang menor de edad niyang pamangkin sa Bohol tatlong taon na ang nakalilipas.

RAPE SUSPECT FALLS IN BOHOL MANHUNT

Police arrested on Friday a 20 year old student accused of raping his own 13-year…

Posted by Philippine National Police on Friday, February 19, 2021

Kinilala ang suspek na si Junmhar Grengia Salamanca.

Ayon sa inilabas na ulat ng Philippine National Police, naaresto ang suspek sa Purok Sitio Lantay, Barangay Lombog, Guindulman ng naturang probinsya.

Bukod rito, akusado rin si Salamanca sa lima pang kaso ng panghahalay.

Ayon sa ulat, wala umanong piyansang inirekomenda ang Regional Trial Court ng Bohol sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?