56

Apr 10, 2020 @ 12:12
By

Kelot pinagdamutan ng toilet paper, sinuntok ang mukha ng nanay

Dahil sa sobrang lakas gumamit ng toilet paper, tinago ng isang ina ang stock nila nito mula sa kanyang anak, na nagresulta sa bayolenteng tagpo sa pagitan ng dalawa.

Arestado ang isang lalaki matapos nitong sapakin ang kanyan nanay sa mukha dahil sa toilet paper.

Ayon sa Santa Clarita Valley Sheriff Station spokesperson Shirley Miller, sinuntok umano ng isang 26-anyos na Adrian Yan ang sarili nitong ina matapos na itago sa kanya ang toilet paper sa kanilang bahay sa California.

Paliwanag ng ina, sobrang lakas gumamit ng kanyang anak ng toilet paper, at nangagamba na maubos ito dahil limitado na ang stock ng nasabing bagay sa mga supermarket sa Amerika.

Dahil dito’y dinakip si Andrew at nahaharap sa kasong battery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?