14

Sep 9, 2021 @ 12:24
By

Kelot nilamon ng dagat dahil kay Jolina, 4 katao missing

Patay ang isang lalaki habang apat naman ang pinaghahanap matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Elephant Island habang papauwi sa Marinduque.

Ayon sa ulat ng GMA News, naganap ang naturang aksidente nitong Miyerkoles.

Kinilala ng Buenavista Municipal Police Station ang nasawi bilang si Jovert Manalo Garay.

Anila, nasawi ang 21 anyos sa pagkalunod at injury sa ulo.

Samantala, tinukoy naman ang mga nawawalang kasama nito na sina Bernie Villavicencio, Hermis Villavicencio, Bobby Villavicencio, at Mario Mendito.

Batay sa imebstigasyon, sakay ng FB Green Horse ang limang kalalakihan na siya sanang manghuhuli ng isda sa Palawan noong Agosto 28.

Matapos makalambat ng mga isa sa Lucena, sinubukan umanong umuwi ng mga ito sa Buenavista kahit na humahagupit na si Jolina.

Ayon sa kapulisan, dahil sa malakas na hangin at malalaking alon, lumubog ang bangka na sinasakyan nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?