120

Jan 1, 2020 @ 16:23
By

Kelot nawalan ng kamay sa ‘Goodbye, Philippines’

Inutusan lang umano ang isang lalaki na alisin ang pinagbabawal na paputok na “Goodbye, Philippines” subalit nahatak nito ang mitsa, kaya kahit hindi pa ito nakasindi ay pumutok na ito sa kanyang kamay.

Sabi ni Jose Reyes Medical Center orthopedic surgeon Dr. Bernard Adajar, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, halos wala nang natirang buto at laman upang ibalik sa dati ang itsura ng kamay ng ‘di tinukoy na biktima.

Sa ngayon, pinapahupa ng biktima ang epekto ng pampamanhid sa recovery room.

Bibigyan din umano siya ng mga antibiotic at ililipat sa ward.

Ayon sa press release ng Department of Health ngayong Miyerkoles, 164 ang naitalang firecracker-related injury mula Disyembre 21, 2019 hanggang Enero 1, 2020, mas mababa nang 87 kaso o 35% kumpara noong nakaraang Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?