29

Feb 22, 2021 @ 15:34
By

Kelot natusok ng bakal sa ulo, todas

Utas ang isang lalaki matapos aksidenteng matusok ng bakal sa ulo sa Brgy. Man-it, Iloilo City noong Sabado.

Kinilala ang biktima bilang si Edwardo Rodriguez.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pauwi na sana ang 56-anyos na biktima nang biglang mabangga ang isang early warning device sa ginagawang kalsada ng naturang barangay dahilan para matumba ito at matusok ng bakal ang kanyang ulo.

Agad namang to the rescue ang mga kawani ng Passi Bureau of Fire Protection at pinutol ang bakal sa ulo ng biktima.

Isinugod pa sa pagamutan ang 56-anyos ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?