22

Oct 10, 2017 @ 13:06

Kelot nanutok ng sumpak, tiklo

Kulong ang isang lalaki matapos tutukan ng improvised gun ang isang menor de edad kamakalawa sa Marikina City.

Arestado si Rey Dela Cruz , nasa hustong gulang at residente ng Barangay Tumana, Marikina City matapos ireklamo ni Imelda Cubacub makaraang paputukan ng sumpak ang kanyang anak na si Arnel Cubacub, 17-taong gulang, kapwa residente ng Angel Santos St., Tumana, Marikina City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang 4:40 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Angel Santos Street habang nagbibisikleta ang biktima nang lapitan ito ng suspek at walang sabi sabing tinutukan at pinutukan ito ng sumpak ngunit agad nakaiwas at nagtatakbo pauwi.

Nagulat naman ang ina nito nang makitang humahangos ang anak at napag-alamang binaril siya ng suspek kaya agad itong humingi ng tulong sa barangay at naaresto ang suspek.

Nahaharap sa kasong attempted homicide in relation to RA 7610 si Dela Cruz at pansamanatalang nakakulong sa detention cell ng Marikina. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?