11

By

Kelot nanlaban, todas sa buy-bust

Sharing is caring!

Patay sa isinagawang buy-bust operation ang isang umano ay tulak ng iligal na mga baril matapos manlaban sa mga awtoridad sa Lungsod ng Caloocan.

Sa ulat ng Caloocan CIty Police ay ganap umanong alas-2:15 ng madaling-araw, Setyembre 12, nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-NCRFU sa kahabaan ng Biliran Street Dagat-Dagatan Avenue, Barangay 28 ng nasabing lungsod.

Target ng nasabing operasyon ang suspek na nakilala lamang sa Alyas Mat, isang agent ng CIDG ang siyang nagsilbing poseur buyer at nang magkaabutan na ng inorder na baril na .45 caliber at marked money ay agad na nakatunog ang suspek na pain lang pala sa kanya ito dahilan upang magtatakbo siya na agad namang hinabol ng pulisya ngunit nang maabutan ay bumunot pa umano ng baril ang suspek at nang akmang papaputukan na nito ang pulisya ay doon na siya inunahang pinaputukan ng mga alagad ng batas na ikinatama niya sa ulo at iba pang bahagi ng katawan at agaran niyang ikinasawi.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ay isang .38 caliber na baril na loaded ng anim na bala, isang .45 caliber na baril na loaded din ng apat namang bala at isang maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu ang narecover sa suspek, nasa tatlong cartridges naman ang narecover sa lugar, sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?