10

Oct 23, 2021 @ 16:42
By

Kelot nanakot gamit pekeng baril, tiklo

Himas-rehas ang isang lalaki sa Dasmariñas City, Cavite matapos takutin ang isang barangay tanod gamit ang pekeng baril ngayong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Ricky Garvilles.

Ayon sa ulat, pinara ng barangay tanod na si Danny Cruz si Garvilles habang nagmamaneho ito ng motor dakong alas-1:40 a.m. ng madaling araw.

Nakainom umano si Garvilles at bigla itong bumunot ng baril at tinutukan ang tanod.

Sinamantala ni Cruz ang kalasingan ng suspek at inagaw ang baril kung saan niya nadiskubre na peke ito.

Arestado si Garvilles at sasampahan ng kaukulang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?