76
Kelot nakipag-sex sa kapwa lalaki, nahawaan ng dengue
By

Nakipag-sex sa kapwa lalaki, nahawaan ng dengue

Sa kauna-unahang pagkakataon, naitala ang unang record ng paglipat ng dengue virus sa pamamagitan ng pakikipag-sex.

Sa Spain, nagulantang ang mga health authority dahil hindi naman bumiyahe ang isang lalaki sa isang bansa na may mga mosquito carrier ng dengue virus ngunit nagkaroon pa rin ito ng nasabing sakit.

Nalaman nila na ang 41-anyos na lalaki pala ay may kinakasamang kapwa rin lalaki na nagkaroon ng dengue nang pumunta ito sa Cuba.

Nagtalik umano ang dalawa at dito tiningnan ng mga doktor na sa pakikipagtalik nailipat ang nasabing virus.

“His partner presented the same symptoms as him but lighter around ten days earlier, and he had previously visited Cuba and the Dominican Republic,” ayon kay Susana Jimenez mula sa public health department ng Madrid.

“An analysis of their sperm was carried out and it revealed that not only did they have dengue but that it was exactly the same virus which circulates in Cuba.”

Ang dengue ay isang sakit na madalas matagpuan sa mga tropical country sa

Southeast Asia, Africa, Australia, Caribbean at South at Central America.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?