By

Kelot nakapkapan ng shabu sa LRT, kalaboso

Sharing is caring!

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng shabu sa loob ng bag habang papasok ng LRT-2 kamakalawa sa Santolan Station sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal possession of drugs si Arnold Carasco, nasa hustong gulang.

Batay sa report na nakalap mula sa Pasig Police, nagsasagawa ng routine check-up ang mga tauhan ng PCP-7 sa Santolan Station bandang alas-4:30 ng hapon nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ni Carasco.

Nang inspeksiyunin na ang dala niyang bag ay nakita ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu kaya agad na inaresto si Carasco at dinala sa Station 7 ng Pasig Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?