197

Aug 8, 2019 @ 19:16
By

Kelot nagpanggap na babae, nagpakalat ng mga nude pic

Kinasuhan ng extortion, identity theft, at grave coercion ang 19-anyos na lalaki matapos magpakalat ng hubad na larawan ng kanyang nakarelasyon online.

Ayon sa biktimang si alyas “Michael,” nagpakilala raw na babae ang suspek.

Naniwala si Michael madalas magpadala ang suspek ng mga larawan sa chat, kung kaya nagpadala din siya maging nude photos.

Nagulantang na lamang si Michael nang mag-eyeball sila ng suspek dahil lalaki pala ito, pero wala na umano siyang nagawa dahil “baka may magawa(ng) mali” ang suspek kung hindi na makikipagkita si Michael.

Kahit nakipagkita ulit ang biktima nang limang beses, ipinaskil pa rin sa isang pekeng Facebook account ang mga hubad niyang larawan.

Doon na isinagawa ang entrapment operation ng pulis at nahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?