74

Aug 8, 2021 @ 18:49
By

Kelot nagpakabayani, sinagip asong nilalamon ng ilog sa Laguna

Isang binatilyo ang hinahangaan ngayon sa social media matapos niyang sagipin ang isang asong inaanod sa isang ilog sa Biñan, Laguna.

Ayon sa ulat ng GMA News, isang grade 10 student na nangangalang Angelo Flores ang naispatang tumawid sa pader ng nagraragasang ilog para sagipin ang aso.

Ani Angelo, nakita kasi niya ang aso sa gilid ng ilog at tila nahihirapang akyatin ang bakod ng tulay.

Marami umano ang naaawa sa aso ngunit wala namang tumutulong dito kaya niya naisipang siya na lang ang sumagip.

“Madami ang naawa sa aso na umiiyak. Pero nasa taas lang sila. Naantig lang talaga damdamin ko at bumaba na ako,” saad niya sa isang pahayag.

Dahil dito, kinilala ng Animal Kingdom Foundation ang heroic act ng 16 anyos na binata at binigyan siya ng scholarship at bagong cellphone.

“WE FOUND HIM ‼️‼️ MEET THE HERO ‼️‼️

The brave young man who rescued the dog from the river!” sambit nila sa kanilang Facebook post.

“[I]t’s such a heartwarming story especially during these times of crisis and calamities. May we all continue to look after the hapless animals.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?