31

Feb 4, 2020 @ 10:19
By

Kelot nag-suicide sa Cagayan

Depression ang tinutukoy na dahilan ng suicide ng isang lalaki sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, Enrile, Cagayan noong Huwebes.

Kinilala ng Enrile Police Station (EPS), ang biktima na si Agamil, ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng EPS, bago maganap ang insidente, maghapon umanong magkasama ang lalaki at kanyang live-in partner sa isang tindahan sa Barangay San Jose.

Sinabi ng EPS, unang nagpaalam na uuwi ang biktima sa kanilang bahay at makalipas ang ilang oras ay sinundan siya ng kanyang live-in partner.

Dito, nagulat ang kanyang live-in partner nang makita ang biktima na patay na sa kanilang kanilang sala.

Batay sa naging pahayag ng live-in partner ng biktima sa pulis, may dinadamdam umano na depression ang biktima ngunit hindi na nito nabanggit kung ano ang dahilan.

Samantala, wala namang nakikitang foul play ang EPS sa pagkamatay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?