28

By

Kelot nag-shoplift ng pampaganda sa Megamall

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mabuking ang ginawang pananalisi sa loob ng isang kilalang mall nang mang-umit ng mga mamahaling beauty product sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Darwin Dy y Ebreo, 34-anyos, Engineer ng TPG Call Center, at residente ng 251 25th St., Fortune Village 5, Barangay Parada, Valenzuela City.

Ayon sa report ng Mandaluyong Police, inaresto ang suspek bandang alas-siyete kamakalawa ng gabi nang dalhin sa presinto ng mga tauhan ng Megamall security guard ang suspek.

Ayon kay Jeneth Enclona y Berbania, lady guard on duty, napansin niya ang kahina-hinalang kilos ng suspek, nagtaka siya sa mga kinukuha ng suspek na karamihan ay pangbabae at mamahalin pa kaya sinundan niya ng tingin ang bawat kilos nito habang nagtutulak ng pushcart sa loob ng department store ng SM Megamall sa Barangay WackWack, Mandaluyong City bandang alas-tres kamakalawa ng hapon.

Napasin umano ng lady guard na habang nag-iikot ang suspek sa loob ng department store at dahan-dahan niyang isinisilid sa kanyang yellow eco bag ang mga pinamili hanggang sa magtungo na sa cashier para bayaran ang kinuhang snacks at prutas at wala umanong nakitang assorted na mamahaling beauty products.

Nang papalabas na ng department store ay sinita na ng lady guard ang dalang eco bag ng suspek at doon na nakita ang mga assorted beauty products na nagkakahalaga ng Php4,827.50;

Kabilang sa mga naumit ay ang apat na piraso ng Neutrogena Hydro Boost Water Gel 150ml worth Php 534.75 each, dalawang Ponds age miracle facial miracle SPF15 50g worth Php 724.75 each, dalawang Olay Natural White Cream 50g worth Php339.75 each, dalawang Gillette Artic Ice Deo Clear Gel 3.8oz worth 219.75 each at isang Dakasi Yellow eco bag

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong theft sa City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }