5

By

Kelot nag-amok, tepok sa parak

Sharing is caring!

Tepok ang 33-anyos na lalaki makaraang mag-amok habang walang habas na nagpapaputok at tinututukan ng baril ang mga residente sa dalawang pinuntahang barangay sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang suspek na napatay na si Gregorio Bogtong, 33-anyos, at residente ng No. 38 Pangasinan St., Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Sa report, dakong alas-8:45 ng gabi (September 13, 2018), humingi ng saklolo sa Batasan Police Station 6 sina Jonathan Roldan at Patrick Punzalan dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng suspek sa kanilang lugar sa Pangasinan St., Brgy. Batasan Hills.

Ayon kay Roldan pinapakiusapan at pilit niyang pinapakalma ang suspek subalit sa halip na magpa-aawat ay tinutukan pa siya nito ng baril at pinagbantaan.

Umalis si Bogtong at lumipat sa Liwanag St., Brgy. Old Balara, at doon ay walang habas na muling nagpapaputok ng baril kaya nagsumbong na rin ang mga nahihintakutang residente doon sa mga awtoridad.

Agad na rumesponde ang mga operatiba ng Batasan Police Station 6 na pinamumunuan ni P/Supt. Joel Villanueva at Tactical Motorized Unit (TMU) sa pangunguna ni Police Chief Insp. Leonie Dela Cruz at inatasan si Bogtong na sumuko.

Subalit na sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga rumespondeng pulis na mabilis namang nakaiwas. Tumakbo ang suspek at hinabol ng mga awtoridad at pinaputukan na nila ito ng baril.

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang Colt Combat Commander caliber .45 pistol na may serial no. 4250955, chamber na may lamang (1) live ammunition, (2) empty magazine, (6) deformed fired bullets, at 9 plastic sachet ng shabu.

Nakuha din sa supek ang caliber .45, at caliber .38 revolver na may serial no. 889271 na ginamit naman nito sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Brgy. Batasan Hills.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?