22

Sep 15, 2021 @ 14:11
By

Kelot na umano’y kasapi ng Abu Sayyaf bistdao sa QC

Isang hinihinilang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang inaresto ng mga awtoridad sa Quezon City.

Kinilala ang kelot bilang si Albazir Abdulla.

Ayon sa ulat ng GMA News, naaresto si Abdulla sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng National Bureau of Investigation.

Batay sa report. nahaharap kasi sa kasong kidnapping ang lalaki na siyang may kinalaman sa pagdudukot umano noon sa ilang empeledyo ng Golden Harvest Plantation sa Basilan taong 2001.

Iginiit naman umano ni Abdulla na hindi siya miyembro ng naturang grupo.

Ani NBI counter terrorism division chief Atty. Gregorio Zuñiga, may proweba silang makapagpapatunay na rebelde nga ang lalaki.

“May ebidensiya kami na active pa sila so nandito sila sa Metro Manila para magpahinga pero kapag mayroon silang misyon, bumabalik sila sa Mindanao,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?