17

Oct 10, 2021 @ 20:54
By

Kelot na tulak ng shabu, nadakip sa buy-bust

Arestado sa isang buy-bust operation ngayong Linggo ang isang lalaking itinuturing na high-value target ng pulisya sa Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Walfredo San Jose, 34-anyos.

Ayon sa ulat, naaresto si San Jose sa Barangay San Felipe dakong alas-4:40 a.m. ng madaling araw.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P45,000.

Si San Jose ay nasa watch list ng pulisya sa Bicol region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?