6

By

Kelot na nag-yosi lang, huli sa bala ng baril

Sharing is caring!

Nahaharap sa dalawang kasong paglabag sa ordinansa at pagdadala ng bala ng shotgun ang isang 23-anyos na lalaki matapos sitahin ng paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar at makitaan ng baril, kamakalawa ng hapon sa Barangay Mauway, Mandaluyong City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Renzel John Ordaniel y De Asis, 23-anyos, walang trabaho at residente ng 109 R. Pascual St., Barangay Pleasant Hills at nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance on smoking ban at Illegal possession of ammunition sa ilalim ng RA 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act.

Ayon sa imbestigasyon ng Mandaluyong Police, naganap ang panghuhuli kay Ordaniel bandang 2:30 Huwebes ng hapon sa Block 5, Bliss Compound, Barangay Mauway na naninigarilyo kaya nilapitan siya ng mga rumorondang pulis subalit agad na tumakbo ang suspek sa hindi pa malamang dahilan kaya hinabol ito ng mga pulis.

Habang hinahabol ay nakita ng mga nagrespondeng pulis na may itinapon ang suspek at nang siyasatin ay nakita ang dalawang piraso ng bala ng shotgun.

Agad ding nahuli ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?