67

Nov 25, 2017 @ 15:53
By

Kelot na nag-ala-Rambo, bumagsak sa kulungan

Sa kulungan ang kinabagsakan ng isang lalaking nagpulis-pulisan at walang habas na nagpaulan ng bala sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSSupt. John Chua, ng Malabon City Police, ganap umanong alas-nuwebe ng gabi naganap ang insidente sa kahabaan ng Sanciangco St., Barangay Tonsuya.

Nakatanggap umano ng tawag ang nasabing istasyon mula sa ilang concerned citizens hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng suspek na si Ivan Garcia, 43-anyos, at residente ng Pinagpala Street.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police Community Precint 8 at naaktuhan ang suspek habang nagpapaulan ng bala.

Dito na inaresto ng pulisya ang lalaki na lasing, na ayon sa mga residente sa lugar ay madalas magwala kapag nasa impluwensiya ng alak.

Narekober sa suspek ang isang .45 kalibre na baril at isa pang magazine na may bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?