69

May 10, 2020 @ 12:00
By

Kelot na model ng lingerie, pinagtanggol

Umani na ng halos 44,000 likes ang larawan ng isang maskuladong lalaki na nakasuot ng lacy bra at panty.

“Oh my GOD, Jake DuPree causing heart palpitations in the Regalia Skylar set!,” sambit ng Playful Promises sa Instagram, Mayo 1.

Maraming sumuporta sa genderfluid na model, ngunit may ilan na hindi natuwa.

Sumagot dito ang lingerie brand at giniit na pwedeng gamitin ng sinuman–anuman ang gender–ang lahat ng klase ng mga kasuotan.

“I would never buy the set now… Because I wouldn’t want to be seen in a set made for men too… this is not attractive at all,” sey ng isang netizen.

“Were you previously unaware that all garments can be worn by all genders?” tugon naman ng Playful Promises. “Nothing is made ‘for’ any gender, it’s just a garment”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?