7

Sep 15, 2021 @ 13:40
By

Kelot na miyembro ng sindikato tiklo sa buy-bust

Nalambat sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek bilang si Van Valenzuela, 45-anyos.

Nahulihan si Valenzuela ng 23 sachet ng shabu na may halagang P45,000.

Hinihinalang ang suspek ay miyembro ng Rey Gutierrez Drug Group, isang sindikatong kumukilos sa lalawigan.

Siya rin ay nasa illegal drugs watch list ng Bicol region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?