26

Dec 1, 2021 @ 11:27
By

Kelot na-hit-and-run sa Caloocan

Naging impyerno ang Langit Road sa North Caloocan para sa isang 21-anyos na lalaki matapos itong mabiktima ng hit-and-run sa nasabing kalsada nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima bilang si Jimmy Santiago III, isang estudyante.

Ayon sa ulat, galing sa isang tindahan ng milk tea si Santiago para kunin ang sana’y pasalubong niya sa kanyang pamilya.

Sakay umano si Santiago ng kanyang motorsiklo nang biglang may nag-overtake na tricycle na sumalubong sa linya na binabaybay ng biktima.

Sa tindi ng pagkabangga sa motorsiklo ng biktima ay tumilapon ito at dead on the spot.

Hindi man lang hinintuan ng nakabanggang tricycle si Santiago.

Pinaghahanap na ngayon ang drayber ng tricycle, na papuntang Phase 2 sa Barangay Bagong Silang nang mangyari ang insidente. (Mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?