12

Nov 9, 2021 @ 9:59
By

Kelot na ‘doktor’ ng cenomar, kalaboso

Arestado ang isang lalaking nag-aalok ng pekeng certificate of no marriage record (CENOMAR) sa mga kliyenteng gusto mandaya ng marriage status para ikasal muli.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, kinilala ang suspek na si Darwin Rotap.

Nadakip si Rotap ng mga kawani ng National Bureau of Investigation-Special Task Force matapos ibigay ang pekeng cenomar sa isang poseur buyer.

Batay sa tip na nakuha ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), inaalok ng suspek ang mga pekeng cenomar sa halagang P500.

“‘Yung asawa mo buhay pa pinapalabas na patay na o kaya pinapalabas na hindi ka talaga nag-asawa,” pahayag ni ARTA director general Jeremiah Belgica.

“Either way that is falsification of documents,” aniya.

Karaniwan umano sa mga parokyano ni Rotap ay ang mga gustong magpakasal sa banyaga.

Nagbabala rin ang ARTA sa mga tumatangkilik sa mga pekeng dokumento dahil ito ay labag din sa batas. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?