1,612

Oct 27, 2017 @ 17:19

Kelot, kulong sa panggagahasa ng dalagita

Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa ng isang 14-anyos na dalagita sa bahay nito sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Navotas City-Women and Children’s Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-singko ng madaling-araw nang maganap ang rape sa bahay ng biktimang itinago sa pangalang Rozette, Grade 9 student.

Kasalukuyan umanong mahimbing nang natutulog ang biktima nang pasukin ng suspek na nakilalang si Edmond Monteverdra, 21-anyos, ng Chungkang St., Barangay Tanza, ng nasabing lungsod.

Nagising na lamang umano ang dalagita ng maramdamang may pumatong sa kanya.

Dito’y hindi na nagawang manlaban pa ng biktima dahil sa pinagbantaan na siya ng suspek na papatayin kung mag-iingay hanggang sa naisakatuparan nito ang pakay.

Matapos ang insidente’y agad na tumakas ang suspek habang mabilis namang humingi ng saklolo sa kanyang mga magulang ang biktima at isinuplong ang tumakas na lalaki.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Navotas City Police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o anti-rape law in relation to RA 7610 o special protection against child in abuse, exploitation and discrimination act. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?