12

Mar 8, 2021 @ 16:51
By

Kelot kaloboso sa pagnanakaw sa Cartimar

Timbog ang isang lalaki matapos maispatang nagnanakaw sa isang pet shop sa Cartimar Pet Center, Pasay City.

Batay sa ulat ng Pasay Police, napansin daw ng mga tuahan ng naturang store ang suspek na palakad-lakad sa loob ng kanilang shop na tila may tinatago.

Doon na naispatan ng may-ari ng shop na may inipit na item ang suspek sa kanyang bewang.

Agad namang kumaripas ng takbo ang supek ngunit nakorner din ng mga sekyu.

Nasabat sa suspek ang ilang pet grooming essential tulad ng pet shampoo, pet cologne, dog treats at toothbrush set.

Nahaharap sa kasong theft ang hindi kinilalang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?