1,014

Jun 24, 2022 @ 22:39
By

Kelot hindi pinagmartsa kahit bayad sa graduation fee

Viral sa Tiktok nitong Huwebes ang isang lalaking estudyante na hindi pinagmartsa kahit nakapagbayad naman ng graduation fee.

Ayon sa paskil ng kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo, hindi pinaakyat sa entablado ang kanyang kuya kahit nakabayad naman ito sa graduation fee.

“Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee,” ani Celene.

Ipinakita sa video na lahat ng katabi niya ay may hawak na diploma at siya lang ang wala.

“Di naman masaket,” saad ni John.

Sa bagong paskil ni Celene, aniya umiyak ang kanilang nanay dahil hindi pinahintulutang makaakyat sa stage ang kapatid para makuha ang diploma.

“My brother just graduated but my mom cried coz the school did not allow him to get his diploma up the stage,” pahayag niya.

@cyrosaldo Bawi nalang next life🙃. #fyp #graduation #grad #nursing #sad #depressed #patiwakal #charot ♬ FRAN VASILIĆ ON SPOTIFY – Fran Vasilić

@cyrosaldo He has already paid his grad fee the day before his grad but the school didn’t confirm his payment. That’s the fvcked up part. #fypシ ♬ Chasing pavements – Yeng 𓆩❤︎𓆪

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?