122
arrested-kalaboso-arestado-huli
Feb 20, 2019 @ 13:33
By

Kelot dinampot habang nagta-tattoo

Hinuli ng mga tauhan ng Eastern Police District-Mobile Force Battalion Intelligence (EPD-MFBI) ang isang tattoo artist dahil sa kasong pagnanakaw at nahulihan pa ng iligal na droga sa ikinasang follow-up operation sa kanyang shop sa Recto, Manila.

Arestado si Danmar Vicencio y Balabbo, 43-anyos, tattoo artist at residente ng Lot 10, Block 34, Phase 2, C-3, Kaalinsabay Road, Karangalan Village, Manggahan, Pasig City sa tulong ng Manila Police District (MPD) bandang alas-1:31 Martes ng hapon sa loob ng Isetann Department Store sa Recto Avenue, Manila.

Pinangunahan ni PInsp. Eliseo Santana ng EPD-MFBI ang pag-aresto dala ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Alice C. Gutierrez, Presiding Judge ng RTC Branch 193, Marikina City sa kasong theft na isinampa ni Jessa Padilla ng UBB, Marikina City noong 2004 at paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina City Police detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?