23

Sep 8, 2021 @ 17:41
By

Kelot dedo nang araruhin ng van

Patay ang isang lalaking tatawid lang sana ng kalsada sa Calamba City, Laguna noong Martes matapos mabangga ng isang van.

Kinilala ang biktima na si Jose Marcado.

Ayon sa Calamba police, tatawid lang sana sa kalsada sa Barangay Bucal bandang alas-10:00 p.m. ng gabi si Marcado nang masagasaan ng van.

Sa tindi ng pagbangga, matinding mga pinsala sa katawan ang tinamo ng biktima at binawian ng buhay bagamat sinubukan pang dalhin sa pagamutan.

Naaresto naman ang tsuper ng van na si Jonal Odioman.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?