119

Nov 30, 2021 @ 18:45
By

Kelot binoga ng guwardiya, nahulog sa condo

Todas ang isang lalaki matapos umanong barilin ng security guard at mahulog mula sa rooftop ng condominium sa Makati City.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Ronald Tolo, 38-anyos, habang ang suspek ay si Dionisio Tabla, 58, security guard.

Ini-report ng saksi sa mga pulis ang insidente bandang ala-una ng madaling-araw nitong Martes.

Isang saksi ang nakarinig ng putok ng baril mula sa condominium at nakitang isang lalaki ang nahulog mula sa ikapitong palapag nito.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nag-inuman ang biktima at suspek ngunit nagkaroon ng pagtatalo na nagresulta sa pagbaril ng maraming beses ng guwardiya kay Tolo.

Agad nadakip ang suspek matapos ang isinagawang follow-up operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?