110
shabu-2
Sep 30, 2018 @ 19:45
By

Kelot biglang kambyo sa checkpoint, bistado sa droga

Kumabig pakaliwa ang isang lalaki matapos makita ang isinasagawang checkpoint dahil sa dalang iligal na droga, na inaresto ng Pasig Police makaraang takasan ang checkpoint sa Barangay San Miguel.

Nakilala ang suspek na si Conrado Agpuldo y Torres Jr., 34-anyos, aluminum glass installer at residente ng Pasig City.

Ayon kay PCP-5 commander Police Senior Inspector Diogenes Gaoaen, nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng M. Eusebio corner Luis St., Barangay San Miguel, bandang alas-3:30 Sabado ng hapon nang makita nila ang suspek na sakay ng kanyang motorsiklo at iniwasan ang checkpoint, sabay kabig sa kaliwa at mabilis na tumakas kaya agad na naghinala ang mga pulisya at hinabol ang suspek.

Nang mahabol ang suspek ay agad na itong kinapkapan at nakita ang isang sachet na plastic na naglalaman ng shabu kaya agad dinala sa presinto ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?