44
Kelly Williams
Jan 18, 2018 @ 20:46

Kelly Williams umangkas sa motorsiklo matapos maipit sa trapik

Walang nagawa si TNT KaTropa player Kelly Williams kundi maki-angkas sa motorsiklo matapos niyang maipit sa trapik sa C-5 patungo sana sa Smart-Araneta Coliseum sa laban ng kanyang koponan kontra Blackwater Elite kahapon, Enero 17.

Late na si Williams nang umalis sa kanyang bahay sa Alabang gamit ang kanyang kotse na minamaneho ng kanyang driver, kung saan sinalubong pa ang Fil-Am player ng trapik dahil sa nangyaring sunog sa southbound lane ng highway, na napapaligiran ng mga bumbero at ambulansiya.

Humanap ng paraan si Williams kung paano siya makakapunta ng Big Dome at sa rekomendasyon ng driver niya ay nag-book siya sa isang ride-sharing app na Angkas.

Matapos makapag-book, lumabas siya ng sasakyan niya, umakyat ng U-turn sa C-5 at bumaba sa flyover saka umangkas sa motorsiklo na kanyang na-book. Nakarating siya sa Cubao sa loob ng 40 minuto.

“Every stoplight, the other motorcycles pull up, double take, ‘Oh, what are you doing here?’ ‘Hi guys!’” kuwento ng 6-foot-6 na si Williams sa ulat ng Spin.ph.

“It was fun, it was actually pretty fun, but never again,” dagdag pa niya.

“Make sure you plan ahead guys if you possibly get stuck in traffic. But it was a good experience for me. You get to see Manila in a different light. It was fun.

“Initially, I was scared because he was swerving pretty well but we got used to it, it was fun,” aniya pa. “I was more worried about what coach would say but I got here.”

Nakarating sa Big Dome si Williams sa kalagitnaan na ng first quarter. Matapos maupo sa buong first half ay umalagwa ang dating MVP ng anim na puntos, anim na rebounds at apat na blocks sapat para matulungan ang kanyang koponan na manalo kontra Elite, 92-83.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?